Magsasaka (Tula)

ni May Anne Joy D. Romanes
majromanes57@gmail.com


Magiting na tao, Atin s'yang hangaan
Hindi man kilala, Bayani ng bayan
Hapo sa trabaho, Babad sa arawan
Kanyang hanapbuhay, Pakainin si Juan

Binabalewala, Mahalaga pala
Kanyang bawat kalyo, biyaya ang dala
Sa hapag-kainan, dala'y pagpapala
'Pagkat siya'y sanay, 'Di nga sumasala

Kung s'ya kaya'y wala, Sitwasyon lalala
Saan ba kukuha, magugutom sila
Gulay, prutas, palay, 'pag ito'y nawala
Mahinang katawan, Sakit na malala

Sa buong maghapon, Sakit sa katawan
Anong igaganti, S'yang pasalamatan
Kapos man sa luho, 'Di matatawaran
Kanyang dugo't pawis, Serbisyo sa bayan



Comments

Popular posts from this blog

Filipino: Ang Wikang Mapagbago (Tula)