Ang Kuwento ni Laong (Epiko)
Orihinal na kuwento ni May Anne Joy D. Romanes
majromanes57@gmail.com
Noong unang panahon ay may isang
ginoong nagngangalang Laong. Si Laong ay isang datung pinaniniwalaang galing sa
lipi ng mga bathala, kung kaya’t siya ay may pambihirang kapangyarihan. Si
Laong ay namumuno sa tribo ng mga Diwali. Isa itong napakatahimik ngunit
malakas na tribo. Bagamat may ilang tribo na nagtangkang sakupin ang tribo,
hindi nila ito magawa dahil madali silang nagagapi ni Laong.
Dumating ang panahon na
nangailangan si Laong na lumisan muna sa kanyang tribo at pumunta sa kapatid
nitong si Dimasilaw. Walang naiwan para mamuno sa mga Diwali, kaya sinamantala
ni Yabadi, ang pinuno ng kalabang tribong Tukoda ang pagkakataon. Sumugod sila
sa tribo ng Diwali at sinunog ang kanilang mga kubo. Binihag nila ang mga babae
at batang Diwali at ginawa namang alipin ang mga lalaki.
Nang
bumalik si Laong ay nakita niya ang kalunos-lunos na sinapit ng kanyang
nasasakupan. Dahil dito, pinagplanuhan nila ni Dimasilaw at ang mga tauhan nito
ang pagsalakay sa tribo ng Tukoda.
Nang
dumating sila sa nasasakupan ni Yabadi ay nagpanggap na utusan ang mga tauhan
ni Dimasilaw. Dahil kilala ng mga tao si Laong at Dimasilaw ay hindi sila
sumama sa mga nagpapanggap. Ginamit nila ang kanilang kapangyarihan at ginaya
ang anyo ni Yabadi at ang reyna nito. Dahil dito, napalaya ang mga ka-tribo ni
Laong.
Huli na
ng nalaman ni Yabadi ang ginawa ni Laong at Dimasilaw. Binihag nila si Yabadi
at sa tulong ng kapangyarihan ni Bathala, ay ikinulong nila ito sa isang maliit
na bote.
Simula
noon, wala ng nangtangkang sumalakay sa mga Diwali. Naging tahimik na ang tribo
ni Laong at siya ay namuno pa ng ilang daang taon.
Comments
Post a Comment