Filipino: Ang Wikang Mapagbago (Tula)


 ni May Anne Joy D. Romanes at Annarah D. Romanes

Ang wikang Filipino ay tunay na pinagpala
Pag-unlad at pag-angat—ito na nga ang simula
Sa pagsasalita ng mga Pilipino, ito ay napagyayaman
Sa paggamit nito, tiyak ang dagdag na kaalaman!
Wikang Filipino—tunay na daymiko
Iba’t ibang salita pinaghalo-halo
Tulad ng mga lahing may iisang dugo
Pagkakaiba’y pinag-isa ng wika ng pagbabago!

Akala ng iba, dayuhang wika ay higit pa
Ayaw nilang gamitin, sila daw ay nahihiya
Nakakahiya naman sa kanila, baka daw yata sila ay lugi pa
Ano kayang sasabihin nina Quezon, Rizal, at ni de Veyra?
Siguro ay ‘di pa nila batid, ito ang wikang ipinaglaban
Dugo at pawis, ‘di alintana basta ito ay malinang
Gamitin sa pagbabago, pagyabungin at pagyamanin pa
Lakas ng bansa tiyak aangat pa!

Wika ay sumasabay sa panahon
Ito ay dumadaloy, nagsasayaw sa alon
Kaya nga’t wika, noon at ngayon
Bagamat may pagkakaiba, iisa pa din ang layon
Sandata tungo sa pagkakaunawaan
Simbolo ng ipaglabang kasarinlan
Lahat ng pagbabago, dadaan at dadaan
Sa wika ng marunong—ng mga mamamayan

Aanhin ang magandang ideya, hindi naman masasalita
Mawawalang saysay, magaganda sanang magagawa
Oo nga’t matalino, wala namang makaunawa
Mabuti pa ang pipi, kung wala namang wika
Kung kaya’t wikang Filipino ay mahalin
Ito ay siguradong ating-atin
Sino pa ang gagamit ng wika kung hindi tayo rin

Ipagpasalamat ito sa Diyos, tayo ay lalong pagpapalain!

Comments

Popular posts from this blog

Magsasaka (Tula)