Pagsugal sa Buhay (Spoken Word Poetry)
ni Mark Vincent C. Perido, Grade VI
Indang East Elementary School
In-edit ni: May Anne Joy D. Romanes
majromanes57@gmail.com
Pagkatapos ng gabing kay dilim at umagang kay ginaw
sa wakas muling mapangiti
Tinawag si bathala
Upang lumusong sa tubig
Susugal at susugal
Hindi ba't sapat na kabayaran ang sakit
Para sa pag-ibig?
Hindi ba't mas tinataya ang lahat
Kapag hindi tayo sumugal sa ating minamahal?
Dumilim ang kalangitan kasabay ng kanyang paglisan
Bumuhos ang malakas na ulan
Kasabay ng pagkawala ng pag-asang lumaya
Tumaas ang tubig sa ilog at karagatan
Na siyang pagbaba naman ng pag asang
Siya'y muli ko pang mayakap at mahagkan
Rumagasa ang malakas na daloy ng tubig
Na tila bang siyang tumangay sa ating kayamanan
Tumumba ang puno’t halaman na siyang pagtumba rin ng ating kaginhawaan
Bawat segundo
Bawat minuto
Tila ito na ang oras na magwawakas na ang binuo nating "ikaw, ako..tayo"
Kasabay ng pagpunit natin sa ating naiwang litrato
Malamig na pagdampi ng hangin sa ating katawan
Mga yakap bago ako lumaban sa masamang panahon
Siya namang aking pagbangon sa mapait na kahapon
Mula sa kalayaang sinayang at pinaikot lamang
Ayoko na...
Paulit ulit nalang
Paulit ulit nang pinapaasa
Nakakapagod
Nakakapagod nang magmahal
Nakakapagod nang isiping may pag-asa pa
Nakakapagod nang isiping kaya ko pa
Nakakasawa na
Nakakasawang magpanggap
Nakakasawang itago ang lungkot na nadarama
Nakakasawang mag mahal
Nakakasawang masaktan
Gusto ko ng sumaya
Gusto ko ng lumaya
Lumaya sa lahat ng pagpapanggap
Lumaya mula sa lahat ng sakit na nadarama
Comments
Post a Comment