Popular posts from this blog
Magsasaka (Tula)
ni May Anne Joy D. Romanes majromanes57@gmail.com Magiting na tao, Atin s'yang hangaan Hindi man kilala, Bayani ng bayan Hapo sa trabaho, Babad sa arawan Kanyang hanapbuhay, Pakainin si Juan Binabalewala, Mahalaga pala Kanyang bawat kalyo, biyaya ang dala Sa hapag-kainan, dala'y pagpapala 'Pagkat siya'y sanay, 'Di nga sumasala Kung s'ya kaya'y wala, Sitwasyon lalala Saan ba kukuha, magugutom sila Gulay, prutas, palay, 'pag ito'y nawala Mahinang katawan, Sakit na malala Sa buong maghapon, Sakit sa katawan Anong igaganti, S'yang pasalamatan Kapos man sa luho, 'Di matatawaran Kanyang dugo't pawis, Serbisyo sa bayan
Kalikasan (Tula)
ni May Anne Joy D. Romanes majromanes57@gmail.com Lahat ng bagay na natural Sa ating mundo ay sentral Biyayang mula sa kalangitan Ito ay ating pananagutan Ating alagaan Upang ating mapangalagaan Alamin kung paano dapat gamitin Bigyan naman natin ng pansin Nagbibigay ng pangangailangan maging responsableng mamamayan Simulan ang pagbabago sa sarili Bago pa maging huli Huwag na nating hintayin Paghihiganti baka mangyari sa atin Sa pag-aalaga sa kalikasan Tumulong upang problema ay malunasan
Comments
Post a Comment