Pagsugal sa Buhay (Spoken Word Poetry)
ni Mark Vincent C. Perido, Grade VI Indang East Elementary School In-edit ni: May Anne Joy D. Romanes majromanes57@gmail.com Ang pagmamahal sa tao ay bagay na katangi-tang i Pagkatapos ng gabing kay dilim at umagang kay ginaw sa wakas muling mapangiti Tinawag si bathala Upang lumusong sa tubig Susugal at susugal Hindi ba't sapat na kabayaran ang sakit Para sa pag-ibig? Hindi ba't mas tinataya ang lahat Kapag hindi tayo sumugal sa ating minamahal? Dumilim ang kalangitan kasabay ng kanyang paglisan Bumuhos ang malakas na ulan Kasabay ng pagkawala ng pag-asang lumaya Tumaas ang tubig sa ilog at karagatan Na siyang pagbaba naman ng pag asang Siya'y muli ko pang mayakap at mahagkan Rumagasa ang malakas na daloy ng tubig Na tila bang siyang tumangay sa ating kayamanan Tumumba ang puno’t halaman na siyang pagtumba rin ng ating kaginhawaan Bawat segundo Bawat minuto Tila ito na ang oras na magwawakas na ang binuo nating "ikaw, ako..tayo...